Bob Ong
TAGALOG. Maraming beses ko ng narinig ang pangalang BOB ONG.Syempre, todo curious ako kung sino ba talagang taong to na tal'gang sikat na sikat.'Kala ko ka-level siya nina Oprah Winfrey oh di kaya'y ke Boy Abunda(at ba't biglang napunta toh ke Boy Abunda?). Pero obcors ng dahil sa tulong ni kebigang Google, sa wakas nakita ko ang awto-biyograpiya niya at ang mga sikat na libro na nalathala na niya. Nagsimula pala ang mga aklat niya sa online at napag-isipang gawing hard print. Isa pa rin diyan ang sikat na tanong kung sino ba talaga siya. Dahil ngayon ko lang nalaman na screen name lang pala 'yun gaya ng ARA MINA ni Hazel Reyes (siya lang ang naisipan kong me screen name kasi)!
Oh siya, tama na ang intro.Basta ang alam ko lang, napunta ako sa blagsayt ng kebigan ko at mahiwagang na-inspayr ako sa mga sulat niya sa Tagalog. Kung kaya't heto ang eksplanasyon ko sa pagiging tagalog ko sa entry na ito (sabay ngiti).
Sa pagkakaalam ko, di naman ako mahuhuli sa wikang Tagalog. Hindi ko rin sinasabi na isa na akong henyo sa pag-iingles. Weh, kung sa POP COLA pa na adbertays, ako'y tamang-tama lamang ang timpla.
Mukha yatang napapasarap ang pagtatagalog ko.Sige, hanggang sa muli. Kakain muna ako ng burger tsaka french fries na pasalubong sakin ng mga katrabaho ko. Tehee :)
I wonder nga talaga kung sino si Bob Ong, kaya lang hindi ko feel mag google about him. Sana sinabi mo na rin lang yung Bio nya. Hehe.
ReplyDeleteHahahaha.Yun nga ang problema,mar, kasi di talaga dinis-close yung identity ni Bob Ong. There are lots of speculation of who the real BOB ONG is. Hehe. Marami nagsasabi na isa raw xa sa mga professor sa UP. Me nagsabi rin na yung nagjoin sa WHO WANTS TO BE A MILLIONAIRE eh si Bob Ong rin kasi xado matalino. Ayuuuun, those were the presumptions from peeople. Pero til now, no one knows whose behind it. :)
ReplyDelete